TAGUIG CITY – ARESTADO ang isang negosyante matapos makumpiskahan ng nasa P8.5 milyon na halaga ng mga ilegal na droga sa isang hotel sa loob ng Bonifacio Global City, sa Taguig City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Domingo Tanyao Uy Jr., 44-anyos, isang Pinoy na may Canadian passport.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Guillermo Eleazar, nadiskubre ng dalawang housekeepers ang mga kontrabando sa nakabukas na vault sa nirerentahang unit ni Uy.
Agad aniyang tumawag ang mga housekeeper ng security officer at manager ng high-end hotel para ipagbigay alam ang napakaraming droga na nadiskubre.
Nirerentahan umano ni Uy ang unit simula pa noong Disyembre.
Kabilang sa mga party dugs na kinumpiska ay mahigit P4,000 ng ecstacy pills, 350 grams ng high-grade cocaine, 103 grams ng kush at tatlong bote ng liquid marijuana.
Bukod sa mga droga, nasamsam din sa hotel room ni Uy ang P700,000 cash at tseke na nagkakahalaga ng P175 million.
Kakasuhan si Uy ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ROSE LARA
Comments are closed.